Tuesday, January 8, 2013

Filipino 1

34 Alipato Kasaysayang Bayan at Tradisyonal na Kasaysayan: Epekto sa Nasyonalismo at Pambansang Identidad ng mga Mag-aaral genus Charina B. Agcaoili Introduksyon Ang nasyonalismo ay pag-ibig sa bayan. Bahagi nito ang paggigiit sa soberanya ng bansa, kalayaan, at pag-asa sa sariling kakayahan (Lichauco, 1968). Isa rin itong malinaw na konsepto ng mga elementong bumubuo sa pagiging nasyon ng isang bansa, at bagay na nagtatangi at nagpapakita ng kaibahan nito sa iba pang nasyon (Alfonso, 1967; De La Costa, 1965; Osorio, 1963; Tañada, 1955). Sa pananaw ni Rizal, ang nasyonalismo ay pagsasakripisyo para sa bayan. Handang kalimutan ng isang taong makabayan ang kanyang sarili para maisulong ang kabutihan ng kanyang mga kababayan. Higit sa lahat, gagawin niya ito nang walang pag-aalinlangan o sin dudas, sin pesar (Quibuyen, 1999; Marquez-Marcelo, 1984). Kaugnay din ng nasyonalismo ang katapatan sa mga institusyon, tradisyon, at pagpapahalaga sa kasaysayan (Abueva, 1999). Mahalaga ang pagkakaroon ng mga mamamayang makabayan sa pagsulong ng isang bansa (Loong, 2007; de Quiros, 2002, Lumbera, 2000). Sa ika-19 na dantaon ng Meiji, ang nasyonalismo ang nagbigay-sigla sa mga Hapones na hangaring mapantayan ang kalagayan ng mga bansang nasa Kanluran.
Ordercustompaper.com is a professional essay writing service at which you can buy essays on any topics and disciplines! All custom essays are written by professional writers!
Ito rin ang dahilan ng pagsusumikap ng mga Tsinong paunlarin at gawing moderno ang kanilang ekonomiya (Loong, 2007). Umunlad naman ang mga bansang tulad ng Timog Korea, Rusya, Britanya at Pransya bunga ng mga mamamayang makabayan. Maliban dito, mayroon silang malalim na pag-unawa sa kanilang pagiging nasyon (Jose, 2006 mula kay Alimorong). Alipato 35 Tumutukoy ang salitang nasyon sa komunidad ng mga tao na may iisang lahi, kasaysayan, wika, at kultura. Sa kabilang banda, isang konseptong pulitikal ang estado na nangangahulugang isang pook na may mamamayan, teritoryo, malaya at nagsasariling pamahalaan (Almario, 2001). Ayon kay F. Sionil Jose (2006), marami sa mga Pilipino ang walang ganap na pag-unawa sa kanilang pagiging... If you want to pop off a full essay, order it on our website: Ordercustompaper.com

If you want to get a full essay, wisit our page: write my paper

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.